Lahat tayo may minamamahal, marunong magmahal at pwedeng mahalin. Kahit sinong tao pwede nating mahalin, ano man ang estado sa buhay, mayaman ka man o mahirap, panget man o gwapo/maganda, ordinaryong tao o artista, disable man o kumpleto ang katawan, lahat may kakayahang magmahal dahil lahat may puso.
Sabi nga nila hindi namimili ang puso kung sino ang mamahalin nito. Kung sino man ang mapili nito, doon sya titibok at wala kanang magagawa kundi hayaan at sundin nalang ito. May kasabihan nga na mapipigilan mo pa ang bagyo pero hindi ang puso.
Pero paano na lang kung ang napili ng puso mo ay may iba nang minamahal? At sinumpaan nya ng habangbuhay itong paglilingkuran? Na habangbuhay nyang ilalan ang buhay at kaluluwa dahil ganyan nya kamahal si God.
Ang deep ba? Basta basahin mo na lang para maintindihan mo :)
ENJOY READING !
Naniniwala ka bang kaya mong mag- move on sa paglipas ng panahon? O sadyang isang malaking katanungan ang lahat para sa 'yo? Makakaya mo kayang ibalik ang lahat sa umpisa kung saan mo siya minahal at ipinaglaban?
Paano kung isang araw bumalik 'yung taong iyon sa hindi mo inaasahang pagkakataon? Na siya lang mismo ang may kakayanan upang manumbalik ang lahat nang nawalang masasayang ala-ala at muling malasap ang sariwang sakit na nagtatago sa puso mo?