Maaga akong pumasok,
Dali-daling hinarangan ang sinag ng araw sa tapat,
Nakakasilaw, nakakasilaw pero ang sarap ng dala nitong init,
Lumalapag sa tainga ko ang mga salitang isa isa nilang sinasambit at inaawit.
Nakakaasar, nabinyagan kaagad ang bago kong sapatos,
Pero ayus lang,parte iyon ng kung ano pamang dapat mangyari,
Susunod nalamang ako sa anumang ihahampas ng pagpasok ko,
Nakakabagot, maingay at biglang tumahimik.
May pinta na kaagad sa mukha ko nang di malaman,
Sa unang pahina ng papel ay mga katagang walang mapaglaanan,
Ang panulat ko'y puno pero naghihingalo,
Mabagal, mabagal ang pagpatak ng oras gaya ng nais ko.
Wala akong ganang kumain,
Wala, mabigat, 'di ako makatayo,
Pakiramdam ko'y busog na busog ako,
Pero hindi, ayaw kolamang kumain, 'di ko alam.
Trenta minutos, bente-nuwebe,
Kinakabahan ako't malapit na,
Ayokong umalis sa aking kinauupuan,
Mabigat, bumabalik ang pakiramdam ko kanina sa kantina,
Mabigat, pero di ako busog.
Tumunog na ang bell,
Maingay, nasa tapat ng kuwartong sumalo sakin,
Ayokong lumabas,
Maingay, maingay.
Takot akong lumabas,
Maaalala kita,
Sayang ang oras,
Ayaw kona.
Kapag lumabas ako'y titirik nanaman,
Ang kinatatakutan kong katotohanan,
Wala kana, iniwan mo ako, pinilit mo akong lumayo,
Para sa pangarap? Ikaw ang katuparan ngunit dimo napagtanto.
Uwian na,
Di ako makahinga,
Ngunit kailangang harapin ang lahat,
Ang daan, ang usok, at ang kariktang wala ka.All Rights Reserved