"Magandang gabi," Ang kanyang ngiti ay tila sapat upang magpadala ng kilabot mula ulo hanggang paa at iniligay ang kanyang kamay sa balabas-sarado nitong baba Napalunok si Olessia, nagkukunwaring buo ang loob, "Nasaan ako?" "Sa tingin mo ba hindi ko alam kung sino ka?" "Ano? Anong ibig mong sabihin?" Sinusubukan niyang kumawala mula sa mahigpit na pagkakatali sa kanya ng payaso ngunit konting galaw lamang ay nagbibigay na ito ng parang matulis na sakit sa pulsuhan. "Inoobserbahan kita nitong makalipas na mga araw, bawat kilos mo ay may nanonood-" tumingin siya sa payaso na para bang mayroon silang pagkakaintindihan dalawa ngunit walang imik at kahit kaunting emosyon ay bakante ang mukha nito, "Tamang tama ka! Magagamit kita sa plano ko." "Sarili kong ina gusto ako patayin at yun din ang alam niya, ano pa ba hinihingi mo?" Tumawa siya na rinig na rinig sa madilim na silid; sobrang lakas na tila natakot ang mga kuliglig at tumigil sa paghuhuni, "Hinihingi ko ang partisipasyon mo sa aking dula," "Lahat ng ito para lang sa maliit na dula mong 'yan?" panunuya ni Olessia Umismid ang matanda at lumapit sa mabigat na kahoy na lamesa sa gitna namin, "Oo, isang maliit ngunit mahalagang dula; isang dula na makapagpapabagsak sa iyong ina- ang ating mahal na reyna."