
Sa edad na 18, lahat na yata ng sakit ay naranasan kona. Sa mundo ko kung saan lahat ng tao ay hindi mapagkakatiwalaan, kung saan lahat ay nais kang saktan, kung saan sarili mo lang ang iyong maaasahan...wala kang magagawa kundi ang maging matigas, maging matibay para maprotektahan ang sarili mo.
Gulo rito, away doon, sugat, pasa, baling buto at bugbog saradong katawan, lahat yan ay mararanasan mo at wala kang magagawa dahil hindi mapipigilan ang mga bagay.
Luwa, awa sa sarili, awa sa ibang tao at lalung-lalo na ang emosyon, walang kwenta lahat yan. Hindi ka maililigtas ng mga yan. masasaktan at masasaktan ka lang kapag pinairal mo ang mga yan. Dahil kapag nalaman nilang hindi ako lalaki, maaaring pagsamantalahan nila ako. OO, hindi ako lalaki. Isa akong Babae.
"I'm DANNY aka UNKNOWN"
******************************************************
Lahat ng bagay at nasa akin na. Lahat ng gusto ko ay nakukuha ko. Kahit anong hingin ko ay naibibigay sakin. Ako ang leader ng "PHANTOM" , ang grupo naming magkakaibigan mula pa noong bata kami. Masasabi mong kami ang namumuno sa buong campus na pinapasukan ko. Sa 19 years ng buhay ko ay wala pang magkakamaling bumangga sa akin, maliban sa KANYA.
"ZANE"Todos los derechos reservados1 parte