Sabi nila, ang pag-ibig ay sadyang makapangyarihan at kaya nitong lagpasan ang anumang hadlang, kahit ibang panahon kayang tawirin. Dalawang magsintang pinagkaitan ng tadhana, muli kaya nilang matagpuan ang daan patungo sa isa't isa? Muli kayang mabigyan ng isang pagkakataon ang naudlot na pagmamahalan ng nakaraan sa kasalukuyan? Isang kaluluwang nakulong sa isang pagkatao, naghihintay lamang ng tamang panahon upang mapukaw ang nahimbing na mga ala-ala at isang misteryosang dilag na hindi mawala sa kanyang isipan. Ito ang kanilang kuwento.