Hindi naniniwala si Thursday San Jose sa fairy tale. Walang knight in shining armor, walang pupulot ng glass shoes niya, walang hahalik para magising siya sa mahabang pagkakatulog. Para sa kanya, ang guwapong prinsipe ay para lamang sa magandang prinsesa. At ang panget na tulad niya na hindi pa nakakaranas ng happy beginning ay hindi kailanman magkakaroon ng happy ending. Pero umeksena sa tahimik niyang mundo si Drift Aki Montecillo, ang super guwapo pero super sungit na leader ng grupong Drifters. Thursday's ready to live happily ever after with her Underworld Prince. Ang kaso lang natuklasan niya na pinagpustahan lang pala siya ng tropa ni Drift kaya panay ang kulit nito na maging girlfriend siya. Will she choose to get hurt and let Drift win the bet? Or will she choose to let go habang maaga pa?
10 parts