Si Ella Hernandez Ay Isang High School Student sa "Clint International High School" Matalino,Mabait,Nerd, Lonely, Parang may sariling mundo at paborito sya ng mga Guro sa Lahat ng Subject Nila Dahil sya ay Magalang at Palasagot sa Klase.

Isang Araw ay ay Nakilala Nya Ang Isang Guy Na si Kurt Lacson si Kurt ay Anak sya ng may Ari ng "Clint International High School" Lahat ng Gusto nya nagagawa nya Palagi syang nambubully ng mga Student na May Takot sa kanya at Inis sya sa Mga "NERD" si Kurt ay masasabi na nating "MASAMA ANG UGALI!!" BASTOS,WALANG MODO,WALANG GALANG,MAYABANG"
Simula nang Nakilala ni Kurt si Ella at Dahil Inis nga si Kurt sa Mga Nerd Binully nya si Ella Pero hindi nya inaakalang Mahuhulog ang Luob ni Kurt nya kay Ella...
Magugustuhan rin Kaya ni Ella Si Kurt??
"Leave all those moments of sorrows and hatreds in the past. We will live in the present and make our love last forever."
Totoong masaya si Tappie para sa best friend niyang si Jen nang umuwi ito sa Pilipinas mula Amerika para ibalita na ikakasal na ito. Pero agad na nawala ang kaligayahan ni Tappie nang malaman na ang fiancé ni Jen ay si Mark, ang lalaking nang-iwan sa kanya at hindi sumipot sa kanilang kasal.
Bumalik sa kanya ang lahat ng sakit, lalo na nang makaharap muli si Mark na para bang hindi siya nito kilala. Ngunit kasabay niyon ay ang panunumbalik ng pagmamahal niya para sa lalaki.
Napagpasyahan ni Tappie na hindi sabihin kay Jen ang katotohanan. Ayaw niyang masaktan ang kaibigan. Kahit alam na rin nito ang istorya nila ni Mark, na minsan ay hindi nito nakilala noong nasa kolehiyo pa lamang sila.
Habambuhay na lang ba siyang masasaktan? O hahayaan niyang magkaroon ng pangalawang pagkakataon ang pag-iibigan nila ni Mark kahit may isang taong masasaktan?