Nathalia love her freedom, para sa kanya aksaya lang ng oras ang pakikipag relasyon kaya nga NBSB siya. Maraming kalalakihan ang nais makuha ang atensyon niya ngunit wala siyang pakialam.Mas mahalaga sa kanya ang pagpapalago ng kanilang negosyo, at the age of 27 she is already a millionaire hindi pa kasali ang manang makukuha niya sa kanyang Lola kung sakali. Kaya naman ganun na lang ang pagkabigla niya ng nais ng kanyang abuela na mag-asawa siya bago tumutuntong sa edad na 28 and that's 3 months from now kung hindi ay ibibigay nito ang lahat ng ari-arian sa charity. Hinding-hindi siya makakapayag na mapunta sa charity lang ang lahat ng kanyang mana kasama ang kompanyang itinatag ng kanyang namayapang ama. Then she met a tall ,gorgeous and super hot Stranger in a bar. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya at bigla niya itong tinanong ng Will you marry me?, dala na rin siguro ng alak kaya nagawa niyang sabihin iyon.Napatitig ito at tinimbang kong seryoso siya. "Will you marry me, Mr. Cowboy?", she asked again napapa-pikit na siya. Hanggang sa hindi na niya napigilan ng magdilim ang paningin niya. "Yes", he answered ngunit hindi na narinig ng dalaga na naktulog na sa bisig ng estrangero.