Parati akong na-a-attract sa mga matatabang bagay. Ang cute kasi, tapos parang parati silang masaya at huggable kapag may problema ka. Pero isang summer, may nakilala akong isang mataba na hindi kasing saya ng mga stuff toy ko na matataba. Pero hindi ko alam kung bakit nagkagusto ako sa kaniya. Kaya lang mukhang may gusto na siyang iba. Sana mapansin niya ako. Kahit pa kasi laiitin siya ng mundo, ako mahal na mahal ko eh. At hindi ako tulad ng gusto niya. Ako, I could proudly say; I'm In Love With The Fat Guy . . . . .