Mula ng mapatay ang nag iisang kapatid ni Leah ay sinumpa niyang kukunin ang hustisya para dito anuman ang mangyari. Hahanapin niya ang bawat ebidensya upang maparusahan ang lumapastangan sa kanyang kapatid at sisiguraduhing mabubulok ito sa kulungan. Isang taon ang lumipas, nakilala niya ang isang lalaking maangas, mayabang at puno ng tattoo, yung tipong lalaki ng hindi mo ipakikilala sa mga magulang mo, siya si Pan. Sa likod ng mala-gangster na itsura nito ay isang lalaking handang gawin ang lahat mapa sagot lang ng Oo si Leah. Fast forward, naging sila ni Pan pero paano kapag biglang may lumabas na witness at sinasabing ito ang lalaking pumatay sa kanyang kapatid at lahat ng ebidensya ay tinuturong si Pan nga ang may sala? Isa lang ang sigaw ni Leah, Hustisya o Pag-ibig?