Ang apat na sunod-sunod na lunar eclipse sa loob ng isang buwan ay senyales ng pagbangon ni Daemon para sakupin ang sanlibutan. Ayon sa propesiya, tatawaging blood moon ang digmaan sa pagitan ng kasamaan at kabutihan. Magkakaroon ng limang magkakasunod na digmaan sa iba't-ibang panig ng mundo. Milyong katao ang masasawi at bilyong ari-arian ang mawawala. Marami ang magugutom at mawawalan ng tirahan. Magsisilabasan ang iba't-ibang uri ng nilalang na magiging kalaban ng mga tao. Kasabay ng ikalimang digmaan na magaganap sa Pilipinas ay ang pagsibol ng pag-asa para sa mga naninirahan sa Sta. Monica. Sabay na isisilang ang pitong sanggol na magiging tagapagtanggol laban sa kasamaan. Si Speed dela Cruz. Kilala bilang isang responsableng lider ng Student Council. Taglay niya ang super-speed power. May psychic ability rin siya para magpagalaw ng mga bagay na nasa kanyang paligid - in short - telekinesis. Si Sugar del Mundo. Isang nerd kung ituring ng karamihan. Kaya niyang alamin ang mangyayari sa hinaharap ng isang tao sa pamamagitan lamang ng paghawak dito o sa mga bagay na nahawakan ng mga ito. Si Torrance Granada. Ang chicksboy ngunit mapagmahal na kuya. Sa pamamagitan ng pagtingin ng diretso sa iyong mga mata ay mababasa niya ang anumang iniisip mo. May kakayahan din siyang mag teleport. Si Lexie Abalo. Ang kikay na mas malakas pa sa kalabaw. Taglay niya ang power of strength. Ang kakayahang magbuhat ng mabibigat. Si Aeros Meyer. Myembro ng journcircle at kakambal ni Aiena. May kakayahan siyang lumikha ng apoy at kaya niyang makipag-usap sa iba't-ibang nilalang. Si Aiena Meyer. Ang boyish at sikat na myembro ng drama club. Kabaliktaran ng kakayahan ni Aeros ang meron siya. Kaya niyang lumikha ng ulan at bagyo. Si Small Santos. Ang hari ng hardcourt na may kakayahang gayahin ang anyo ng kanyang kapwa. Sila ang pitong kabataan na isinilang para maging tagapagtanggol ng sanlibutan.All Rights Reserved