Mga salitang di mabigkas
Kaya pilit na tumatakas
Mga salitang di masabi
Tinatago nalang sa paghikbi
Mga salitang di magawa
Aking idadaan sa tula
Bunga ng pagmamahal at pag-iwan nila
Lahat ng ito'y aking nailathala
[Poetry]
Mga tulang pinagtugma tugma
Mga salitang hindi alam kung
saan nag mula
Baka nga'y naawa lang sakin si tadhana
Kaya't ako'y kanyang pinagtula
Upang malimutan ang pag kabiyak
Ng puso ko na dahilan ng aking pag iyak.
"Kumpleto na ito ngunit nag papatuloy parin ang pag aayos o ang pag eedit."
-Author Mae