Sapat nga ba ang mahal mo ang isang tao para gawin ang lahat para sa kanya? Deserve ba ng lahat ng tao ang second chance na maaaring magkaroon ng dalawang resulta. Ang matamis na pag-ibig o ang pait ng nakaraan. Kaya pa bang dugtungan ang naudlot at nasirang pagmamahalan ng isang pusong iniwan at nasaktan pati na rin ang pusong nangiwan at naghanap ng iba? Mauulit pa ba ang saya at sakit? Magkakaroon pa ba ng isang pagkakataon? May panahon pa ba para itama ang lahat?