Ang Biblia ay naglalaman ng isipan ng Diyos,kalagayan ng tao, paraan ng kaligtasan, kaligayahn ng pananampalataya at kapahamakan ng makasalanan. Ang doktrina'y nito'y banal at ang mga kautusan ay dapat isakatuparan. Ang mga kasaysayan ay totoo at ang mga pasiya'y di magbabago. Basahin ito upang maging matalino, paniwalaan upang maging matiwasay, at ipamuhay upang maging banal. Naglalaman ito ng liwanag na pumapatnubay, pagkaing nagpapalakas at kaaliwang nagpapaligaya. Mapa ito ng manlalakbay, kompas ng nandaragat, at tabak ng kawal. Nanumbalik ang paraiso sa pamamagitan nito; nabuksan ang pintuan ng langit at nabunyag ang panganib ng impiyerno. Si Cristo ang pangunahing paksa nito, kabutihan natin ang layunin, at kaluwalhatian ng Diyos ang adhikain. Dapat mapuno nito ang ating alaala, pagharian nito ang ating puso at patnubayan ang ating mga paa. Basahin itong may pagdidili-dili, malimit at may pananalangin. Ito'y ng kayamanan, paraiso ng kaluwalhatian, isang ilog ng kaligayahan at pag asa