Story cover for Pyragonn: The Elemental Forces by VanChrisUrsua
Pyragonn: The Elemental Forces
  • WpView
    Reads 18,531
  • WpVote
    Votes 329
  • WpPart
    Parts 33
  • WpView
    Reads 18,531
  • WpVote
    Votes 329
  • WpPart
    Parts 33
Ongoing, First published Jan 09, 2014
Sa mundong puno ng majika, hiwaga at misteryo, isang lugar na higit pang maituturing na paraiso, isang lugar kung saan namamayani ang kapayapaan at kaayusan, hindi maikakaila na sinuman ay gugustuhing manahan dito. Isang lugar kung saan malayang nakakasalamuha ng mga tao ang anumang di-pangkaraniwang nilalang ng kalikasan at kung saan tanging kabutihan, pagkakaisa at pagmamahalan ang mga pinakaimportanteng bagay panlahat. Ang mga ito’y isa lamang na mahusay na likha ng mga diyos at diyosa, silang mga kaitaas-taasan na nagbigay ng buhay. Ngunit papaano na lamang kung sa isang takdang-panahon ay magbago ang lahat? Papaano kung ang lahat ng mga ito’y sa isang takdang-oras ay maglahong bigla dahil lamang sa isang maling pagkakataon ng wagas na pagmamahalan o kaya naman dahil lamang sa isang itim na sumpa? Papaano na lamang kung isang araw ay wala nang liwanag ang masisilayan at mabalot sa kadiliman ang buong kapaligiran? Papaano na lamang kung dumating ang panahon na manaig ang kasamaan? Magagawa pa kayang iligtas ng mga napiling sugo ng makakapangyarihang mutya ang sangkatauhan? Manunumbalik pa kaya ulit ang kaayusan at ang kabutihan? Muli kayang masisilayan ang liwanag at mamayani ang kabutihan sa sangkatahan?
	Pitong elemento. Pitong kapangyarihan. Pitong sugo sa katauhang itinakda ng batang henerasyon. Pitong mga Bayani…
All Rights Reserved
Table of contents
Sign up to add Pyragonn: The Elemental Forces to your library and receive updates
or
#29trivia
Content Guidelines
You may also like
Ang Mahiwagang Lihim by NexStoriesOfficial
155 parts Ongoing
🔥Isang Kwento sa Mundo ng Nexmythos. 📜Bago pa isinilang ang Dakilang Anak , bago pa narinig ang unang tibok ng puso ng tao, may lihim nang itinago sa pagitan ng liwanag ng mga bituin at ng kadiliman. Isang lihim na hindi isinulat sa aklat ng panahon, kundi sa mismong hibla ng kaluluwa ng sansinukob. Isang lihim na hindi nilikha, kundi itinadhana upang maibalik muli sa balanse ang sansinukob sa napipintong pagkagunaw. Mula sa alon ng walang hanggang dilim, bumangon ang Tatlong Haligi ng Kadakilaan: Ang Espiritu, Ang Di-Matitinag na Kalooban at ang Likas na Lakas. Ngunit sa gitna ng kanilang pagkakaisa, may isa sa kanila ang lumihis ng landas dahil sa kasakiman... at tinawag ang sarili niyang diyos. Doon nagsimulang mabiyak ang langit. Ang mga tala'y nagdugo. Ang oras ay tumigil. At ang tinig ng liwanag ay tumahimik. Isang mahiwagang selyo ang inilimbag sa puso ng sangkalawakan, selyong walang sinumang mortal ang maaaring bumasa, maliban sa Isa. Isang nilalang na hindi lang isinilang, kundi ibinagsak sa daigdig. Isang nilalang na tila hamak na tao... Ngunit taglay ang kapangyarihang kayang gisingin ang mga patay na alamat at tapusin kahit pa ang pinakamakapangyarihang kasamaan. Ang mahiwagang lihim ay hindi hinahanap. Ito'y kusa lamang nagbubunyag... sa piling ng mga pusong handang masira upang buuin muli ang dakilang pag-ibig ng sansinukob. At sa pag-ikot ng mga bituin, at sa paghuni ng mga pangitain... Isinilang siya. Ang pangalan niya ay... hindi pa isinusulat sa kasaysayan. Ngunit malapit na. Dahil ang dilim ay patuloy na naglalakbay, at ang liwanag ay muling magtatanong: "Handa ka na bang tuklasin ang mahiwagang lihim?" 📖 Huwag palampasin ang bawat kabanata ng kwentong hindi mo malilimutan! #NexStoriesOfficial #NexMythos #NexMythosGenre #NexJavar #AngMahiwagangLihim #HariNgPulubi #PinoyStories #WattpadPH #FantasySeries #ActionAdventure #DarkFantasy #Romance #Mystery #HorrorFanatic #Underground #SecretPower #Mysterythriller #Fantasy #BattleOf
Saga ng mga Rebeldeng Kaluluwa: Pamana ng Walang Hanggang Meta-Konsensus by tomiputrade
3 parts Ongoing Mature
Paano kung ang mga kaluluwa ay maaaring maglakbay sa panahon at ang ating mga buhay ay magkakaugnay? Paano kung ang mga patakaran ng mundo ay umiiral lamang upang ikukulong tayo sa siklo ng muling pagsilang? Paano kung may isang taong susubok na lumabag sa mga patakaran? Hindi ba nito sisirain ang panahon? Hindi ba nito babaguhin ang lahat? Sa isang mundo kung saan ang mga sinaunang ritwal ang nagbubuklod sa lupa at langit, isang walang hanggang kwento ang umuunfold sa kabuuan ng libu-libong taon. Sa mga kuwebang pinahirapan ng nagyeyelong lamig ng isang sinaunang panahon, ang pakikipagkasundo ng isang angkan tungkol sa pag-ibig at paghihimagsik ang nagsisimula ng isang trahedya na umalingawngaw sa kabuuan ng panahon. Si Nevar, isang taong nangarap tungkol sa mga bituin, at si Lurok, ang kanyang matatag na kapatid, ay lumilikha ng mga artefact ng kapalaran-ang sibat ng langit at palakol ng lupa-upang lamang mawalay sa isa't isa dahil sa pagkawala at pagtataksil. Ang kanilang kwento, na inukit sa Altar ng Walang Hanggang Pinabayaang Pag-ibig, ay umalingawngaw hanggang sa malayong hinaharap, kung saan natutuklas ng istoryador na si Irkna ang kanilang pamana sa pamamagitan ng nakakamangha't nakakabagabag na mga pangitain. Perpekto para sa mga tagahanga ng epikong pantasya, mga kwentong tumatagos sa iba't ibang panahon, at mga misteryo ng arkeolohiya. Ang Saga ng mga Rebeldeng Kaluluwa ay naglalahad mula sa panahon ng bato hanggang sa hinaharap kung paano naghihimagsik ang mga kaluluwa at sinusubukang sirain ang siklo ng muling pagsilang. Tropez: Paglalakbay sa Panahon, Paghihimagsik Laban sa Kapalaran, Pakikibaka para sa Kosmikong Kapangyarihan, Espiritwal na Paglalakbay, Kwentong Tumatagos sa mga Panahon Mga babala: May mga paglalarawan ng karahasan at dugo (kabilang ang mga labanan ng angkan at ritwal na sakripisyo), pagkamatay ng mahahalagang karakter, at emosyonal na trauma (kalungkutan, pagkawala, pagtataksil).
Lucky 14 by famebad01
21 parts Complete
Sa loob ng isandaang taon, matapos mawala ang labin-tatlong batong nagbibigay balanse sa kalikasan ay umusbong ang giyera at pagkasira ng daigdig. Sa isang mundo kung saan hindi na umiiral ang kapayapaan ay mabubuo ang isang misyon. Sa utos ni Sthenios , hari ng mga diyos, ay mag uumpisa ang paglalakbay upang hanapin ang iba pang bato na siyang magbabalik sa kapayapaan ng daigdig. Si Jerabella, isang magiting na mandirigmang nagtataglay ng ika-labing-apat na bato na sumisimbolo sa Pag-ibig ay bababa mula sa Realm of Gods at susubukang hanapin sa daigdig ang pares ng kaniyang heart stone (Pusong bato😂😂), maging ng iba pang elemento, bago pa ito makuha ni Voxana, ang hari este reyna ng kasamaan. Pag-ibig, karunungan, liwanag, kadiliman, katubigan, kalupaan, at ang kapangyarihan ng buwan. Pitong elementong hawak ng pitong pares ng demigods. Paano nga ba matatagpuan ang mga mahiwagang batong nakatago sa mundo ng mga mortal? Mababago pa kaya ang mundo sa pamamagitan ng pag-ibig? Sa paraan na pilit nitong kinasusuklaman? Samahan si Jerabella sa kaniyang paglalakbay sa makulit na mundo ng mga mortal upang makamit ang isang kahilingan, sa Lucky 14. Realms of God mundo na high technology halos lahat ng bagay meron dun. Sa mundong walang basura, sariwa ang hangin, maganda ang liwanag ng araw pati na rin ang pa sikat ng buwan at mga tao dun ay maganda ang pangangatawan halos perfect sila kung sa normal lang na tao. Ang isang planeta naman kabaliktaran ng mundo ng Realms Of God kasi yung utak ng mga tao dun ay puro training para sa digmaan sa bawat isa. Walang love dun sa mundo na yun gusto lang nila palagi ng didigmaan. Halos yung hangin dun parang pinaghalo dugo at amoy ng ilog. Madaming dugo ang nasa paligid, madaming rin basura sa paligid at halos hindi mo ma intindihan ang mga tao sa sobrang nilang galit sa isa't isa.
You may also like
Slide 1 of 19
BEDTIME STORIES Vol. 1 (Ang Koleksyon ng mga Maiksing Kuwentong Katatakutan) cover
FOUR GANGSTER; 𝑭𝑎𝑙𝑙 𝑰𝑛 𝑾𝑖𝑡ℎ 𝑴𝑒 (Season 1) cover
Luminus: The Enchanted Book [COMPLETED] cover
Lungsod ng Maldicion (Cursed City) cover
MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong Alamat cover
Ang Mahiwagang Lihim cover
Tenebris Anima cover
Enchanted Series 3: The Darkness Within cover
Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently Editing cover
WHO ARE YOU? cover
Ang Kwaderno cover
LUMINOUS (Fantasy Novel) cover
Tonyo Chronicles: Ang Paglalakbay ng itinakda cover
The Last Gray-Haired Witch cover
Saga ng mga Rebeldeng Kaluluwa: Pamana ng Walang Hanggang Meta-Konsensus cover
play for love cover
Bitter Chocolate [Completed] cover
Bakunawa cover
Lucky 14 cover

BEDTIME STORIES Vol. 1 (Ang Koleksyon ng mga Maiksing Kuwentong Katatakutan)

12 parts Complete

Kung alam lang ng lahat, noong unang panahon, nagkukuwento na ang ating mga ninuno ng mga kuwentong katatakutan. Mga kuwento tungkol sa mga nilalang na nakakatakot na halos hindi na tayo patulugin gabi-gabi-mga aswang, bogeyman, halimaw, demonyo, multo, at mga engkanto. Ito ang isa sa mga namana natin sa kanila. ang kahiligang magkuwento at makinig ng mga istoryang kahindik-hindik at kahila-hilakbot. Ang ilan sa atin ay mga seryosong nakikinig o ang iba naman ay apektado, at iilan rin sa atin ay hindi naniniwala o akala nila ito'y laro-laro lamang. Panakot sa mga batang pasaway at ayaw makinig sa mga nakatatanda. Pero lingid sa ating lahat, may mga istorya na magbibigay sa atin ng leksyon, lalong-lalo na, babala. Isang babala na magpapatunay na hindi lang ito laro-laro lamang... babala na magpapatunay may mga nilalang na talagang totoo at nagtatago lamang sa dilim... na hinihintay lang nila na sila'y banggitin... Mas makabubuti kung basahin mo na ang librong ito hangga't malakas pa ang loob mo at huwag mo nang hintayin pang dumating ang dilim... baka magsisi ka sa huli.