Live life to the fullest, sabi nila. Pero paano kung ang nakasanayan mong pamumuhay ay biglang naglaho, bumaliktad ang lahat at nagbago? Magagawa mo pa bang mag ‘live life to the fullest’ kung hindi ka na masaya sa sitwasyong iyong natamo? Paano naman kung ang pangyayaring ito ay magdudulot ng pagtibok ng iyong puso? Gugustuhin mo pa bang bumalik sa dati at tuluyang wag nang balikan ang buhay na iyong nakasanayan noon? Babalik ka pa ba o mas pipiliin mo ang sinisigaw ng iyong puso na manatili sa sitwasyong kailanman ay hindi mo pinangarap? At paano naman kung sa iyong pagbalik sa dati ay napagtanto mong hindi ka na magiging masaya? Babalik ka ba ulit? Saan ka babalik? Ano ang iyong babalikan? Ano ang pipiliin mo sa dalawang naghihintay kung ikaw ay babalik pa kaya?