Paano mo ba malalaman kung may gusto sa iyo ang isang tao?
Paano mo ba malalaman kung may pagtingin siya sa iyo?
"Oo nga, tinanong ko siya kung may gusto siya sa'yo. Sabi niya, oo." Sabi ni Gemma na ngayon ay nasa harapan ko. Sumugod lang talaga siya dito para sabihin ang pang-iimbento niya.
"'Wag ka ngang gumawa ng kwento. Masakit ang umasa." Sabi ko sabay hawak sa dibdib ko na para bang nasasaktan talaga. Natawa na lamang kami pero hinampas niya na naman ulit ako.
"Eh! Ayaw mo bang maniwala?! Wala ka bang tiwala sa bestfriend mo?" Sabi niya at nag pout pa! Leche naman kasi eh, gagawa gawa ng kwentong hindi kapani-paniwala.
"Oh sige sige. Nasaan ang pruweba? Aber!" Tanong ko at tinaasan siya ng kilay. Napabagsak na lamang ang mga balikat niya na para bang may problema.
"Ayun nga eh! Nadelete ko na yung chat namin, sa facebook ko nga lang kasi siya tinanong." Sabi niya at napa-iling iling pa. Tsk, wala naman palang pruweba tapos susugod nalang dito bigla para ibalita ang imbentong walang kwenta.
"Wala naman pala eh! Edi hindi totoo!" Sabi ko at tumayo at pumunta sa bintana ng kwarto ko. "Kung totoo talagang gusto niya ako, bakit niya ito tinatago? Nagpapahiwatig lang na walang katotohanan ang sinasabi niyang iyon." Sabi ko at bumuntong-hininga. Lumapit si Gemma sa akin at hinawakan ang aking kamay.
"Alleah, Bisprin. Sa tingin mo ba gagawa ako ng kwento na makakasakit naman pala sayo?" Tanong niya kaya agad naman akong napaisip. Oo nga naman, pero di ko mapigilang mabahala.
Paano kung aasa na naman ako?
Paano kung masaktan na naman ako?
Ayoko nang maulit pa ang nangyari noon, na ako'y aasa, iiyak, at masasaktan ulit. Gusto ko ng baguhin ang buhay ko ngayon, yung simple lang. Simple dahil wala siya at simple dahil sa mga kaibigan kong nandiyan para damayan ako. Ayoko nang umiyak pa muli kaya't ayoko naring magbakasakali.
Pero paano kung totoo nga?
Papairalin ko ba ang isipan ko?
O ang puso ko?