Labinlimang taon na ako. LABINLIMANG TAON! Sa edad kong yan maniniwala ka bang NO BOYFRIEND SINCE BIRTH pa ako? Alam kong limang taon pa bago ako mawala sa kalendaryo pero gusto kong mahanap na SIYA. Gusto kong gumawa na kami ng maraming memories. Gusto ko nang makita at maksama siya. I have a stable job, good health, happy with my parents at kaya ko nang bilhin kahit anong gusto ko, SIYA nalang talaga ang kulang. Hindi naman ako pangit. Talagang lately lang akong natutong mag ayos sa sarili ko, haha! Yes lately lang. Lately lang dahil naging busy akong magpakatanga sa isang lalaki nung college days ko. Ginawa ko lahat para walang siyang hindian sa 'kin. Like hihiram siya sa 'kin ng phone ko at buwanan kung ibalik sa 'kin, hihiram sa 'kin ng flashdrive pero hindi na iuuwi, tapos uutang sa 'kin ng pambili ng load kahit hindi naman siya nagbabayad at higit sa lahat ako ang taga gawa ng projects and assignments niya... kasi gusto ko siya. At akala ko pwede kami. Yun pala, masyado akong nabulag sa pagkagusto ko sa kanya, without knowing na I'M ALWAYS WITH HIM KASI GUSTO KONG LAGI NA NASA TABI NIYA DAHIL MASAYA AKO PAG KASAMA SIYA, AND HE'S ALWAYS WITH ME NAMAN KASI MARAMI SIYANG KAILANGAN SA 'KIN. IN SHORT MANGGAGAMIT SIYA! Tapos nung wala na siyang kailangan sa 'kin, initsapwera na niya ako. Malungkot ako habang siya kasama ang girlfriend niya na kaklase niya. Hindi ko alam na ganun pala ako katanga kaya napapabayaan ko na ang sarili ko. Pero ang akala ko, ngayong nagising na ako ay madali ko nang buksan sa iba ang puso ko. Mahirap pa rin pumili, eh. May hinahanap pa rin talaga ako. So I decided to have a tour from place to place sa pagbabakasakaling doon ko mahahanap ang para sa 'kin. But then... napakaliit lang talaga ng mundo. After five years mula nung naggraduate kami ay muli kaming nagtagpo sa isang isla. And I really hate myself for the feelings that comes flooding back when I saw him!!
8 parts