Kwento ito ng magbabarkadang dumayo pa sa isang liblib na bario sa pinakadulu-duluhan at pinakasuluk-sulukan ng probinsya ng Ilocos upang magbakasyon. Doon ay madidiskubre nila ang pinakatago-tagong malagim na lihim ng isa pang bukod na pangkat ng taong sikretong naninirahan doon. Di nila akalain na ang isa sanang masayang pagsasama-sama ng magkakaibigan ay mauuwi sa marahas at madugong pakikipagsapalaran sa kani-kanilang buhay. [Short Horror Story 2/3][Original Version]