Sabi ng iba, sa ugali ka daw tumingin hindi sa itsura. Bonus na daw kung may nagmahal sayo na mabait na, gwapo pa. Ngunit para sa probinsiyanang kagaya ni Sahania ay panaginip lang na may lalaking gwapo na at mabait pa. Kung gwapo man, manloloko naman, masaklap, pangit na nga babaero pa! Kaya para sa kanya, ke pangit o gwapo, hindi siya patitinag. Pare-parehas lang na sasaktan siya. Papapangitin niya ang sarili niya para walang magkagusto sa kanya. Itataas niya ang bandila ng mga NBSB!! Sa pag-ihi lang dapat kiligin!! Ngunit nabago ang pananaw niya pagkatapos makilala si Jadiel, crush ng bayan, matalino, maputi, matangkad at gwapo na IT student na member ng drama club ng unibersidad nila na pilit binabago ang pananaw niya sa mga lalake. Ngunit papaano niya kaya mabibihag ang binata, eh hindi nga nito alam na nag-eexist siya??
25 parts