Nagmula ang lahat sa isang patak ng tubig galing sa buwan. Sabi ng mga sayantipiko(scientist) wala daw oxygen sa buwan. Kaya wala ding tubig ang naroon. Walang buhay. Yan ang buwan, ngunit para sa atin malaki ang idininudulot nito. Liwanag kapag madilim ang kalangitan. Liwanag para sa gabi. Ngunit ang patak ng tubig na galing sa buwan ang nagpagulat sa lahat. Pinag-aralan at inaalam kung saan ito nagmula. Maari mong masabi na ito ay patak ng ulan lamang pero kakaiba ang kulay nito. Kulay asul at makintab-kintab, kumikinang at naging isang maliit na bato. Ang hindi alam ng karamihan, ay ang batong ito na nagmula sa buwan ay madalang kakaibang hiwaga. Nagsimula na. Sabi ng iba, isa itong sumpa. Yung iba sabi naman ay isa itong parusa at yung iba sabi naman ay isa itong biyaya mula sa buwan. Ano ba talaga ito? Nakakatakot, ngunit nakakapagtaka. At gusto kong malaman lahat. Kasi isa ako. Isa ako sa kanila.