Mahal naman kita, ngunit sana lang kayang buhayin ng pagmamahal na iyon ang nagdarahop kong pamilya"- MARIO "Oo, at alam ko na pasan mo ngayon ang daigdig sa iyong balikat. Subalit ang kumapit sa patalim ay hindi ko kailanman itinuro sa'yo na mainam na paraan upang makamit mo ang inaasam na kaginhawaan. Kung ipinagpalit mo ako sa kanya dahil sa pera, makakaasa kang mamahalin parin kita. Umaasa parin ako na balang araw maimulat mo ang iyong mata at tandaan mong ako'y maghihintay sa'yo sa...... HARDIN NG MGA GAMO-GAMO -Lukas