Bata pa lang kami lagi nya na akong iaaway at inaaasar. Nilalagyan ng bubblegum ang buhok ko. dinidikitan ako ng papel na kung ano-ano ang nakasulat sa likod. Kinakalabit ako ng kinakalabit tuwing may klase. Dinodrowing ako sa isang papel (pero mukha namang disoriented yung mukha doon sa drawing). Binabato ako ng linamukos na papel. Sinusulatan ang uniporme ko ng tinta ng ballpen. Inuusog ang upuan ko tuwing uupo ako para deretso ang pwet ko sa sahig. Sa araw araw na ginawa ng Diyos, ganon ang ginagawa nya. Walang palya. Kaya laking pasalamat ko nung lumipat sya ng school noong First Year high-school. Pero ika nga nila ‘Happy moments don’t last forever’. Ngayong nagbalik sya tatlong taon ang nakalipas, isinusumpa ko! HINDING HINDI NA AKO MAGPAPAAPI! PEKSMAN! MAMATAY MAN SI BATMAN!