Siya si Filipa Natalia Ferrer o kilala sa palayaw niyang Pipay. Tubong Pampanga. Anak ng isang maralitang magsasaka. Simple lamang ang pangarap niya sa buhay. Mabigyan ng maginhawang buhay ang mga magulang at kapatid. At isa lamang ang naiisip niyang paraan para maisagawa ang ganoong misyon sa buhay---ang Tita Chayong niya na matagal nang nakabase sa Japan. No'ng una inisip niyang mag-asawa na lang ng matandang Hapon para mapadali ang pagtupad niya sa number one life goal niya. Subalit nang mapag-alaman niyang maaari rin pala niyang magamit ang tinapos na kurso sa Education, nagpursige na siyang maghanap ng trabaho bilang English teacher. Kaso sa kasamaang palad ay hindi siya matanggap-tanggap sa mga pinag-aaplayan... Siya naman si Kaito Furukawa. Nag-iisang anak ng may-ari ng Furukawa Builders, ang pinakamalaking construction company sa buong Kansai. Sanay siya sa maluhong buhay. 'Ika nga'y nakahiga sa salapi. By a twist of fate, nagkrus ang landas nila ng ating dalagang Pilipina na simula't sapol ay mainit na ang dugo sa binata. Napagkamalan pa niya itong bulakbol na salary man kahit na ilang beses nang sabihan ng tiyahin na galing ito sa mayamang angkan sa Osaka. Ang tingin kasi ni Pipay dito batugan, pero dahil kaibigan ng tiyahin niya ang ama nito'y bini-build up na lang sa kanya para may pumatol ding babae. Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Pipay kapag nalaman niya na ang inakalang bulakbol na salary man ay may-ari pala ng pinakamalaking video game company sa buong Japan at nag-iisang tagapagmana ng Furukawa group of companies?
32 parts