Prologue: "Oy bat parang manlalapa ng tao 'yang tingin ng dragon na yan dito? Ano nanaman ba ginawa mo Xaira?" Pabulong pero may diin na sabi sakin ng kuya ko with matching siniko ng pumasok kami sa opisina ng dragon na to. Este ni Sir Hunter. "You may leave now Mr. Zamora. Cancel all my meetings this afternoon." Malamig na sabi ni sir Hunter at hindi man lang kami tinapunan ng tingin dahil busy ito sa mga binabasang papeles. Secretary kasi ang kuya ko sakanya at ako naman ay ojt bilang guidance counselor sa di kalayuan na school mula dito. Nagulat na lang ako ng pinatawag ako ng isang to. Naistorbo tuloy ang mga ginagawa ko. Pero wala akong magagawa dahil.. "Noted sir." Kinurot pa ko ng mahina sa braso bago lumabas. Napanguso na lang ako at hinimas ang parte ng kinurot ng kapatid ko. Nang lumabas na ang kuya saka humarap sakin ang isang to. Pinasadahan ko ng tingin ang mala greek god na mukha niya Ang makapal pero nakaayos niyang kilay, ang nakakalunod na kulay tsokolate nitong mga mata na tila binalutan ng yelo dahil sa lamig ng tingin at bumagay pa ang suot nitong specs, ang nagyayabang na matangos na ilong nito at sa labi nitong mapangakit na may natural tint na pula. His well defined chiseled jaw to sum it all up. Bumaba ang tingin ko sa malapad nitong dibdib at broad shoulders nito at pumuputok na biceps na bakat na bakat sa rolled up white long sleeves nito na tila nang aakit na maha-- "Done checking me out?" May halong pangaasar na ani nito sabay ngumisi ng nakakaloko. Tumayo na ito mula sa swivel chair at lumapit patungo sakin huminto lang siya at iland pulgada lang ang layo nito sakin. Nakapamulsa pa ang loko. His tall and muscular figure hovered me at halos sa dibdib lang ang abot ko. I was not surprised when he closed the distance between us and trapped me with his arms. "I'm feeling stressed now. Please tame this monster of yours." ***All Rights Reserved