Setting - May 29, 2058 Hi, ako nga pala si Ella. Labing-anim na taong gulang. Less than 2 weeks nalang, magpapasukan nanaman. Every summer break, tumutulong ako kina Mama sa home for the aged. Nasanay na rin ako dito. Medyo nabobored lang ako minsan pero hindi naman ako nagrereklamo. Mas okay nang may nagagawa akong matino kesa naman sa kumain at matulog lang ako buong summer. Isa na akong Senior High School student sa pasukan. Medyo kinakabahan ako kasi kakalipat ko lang ng bagong school. Hindi na ako sanay na iba ang mga kasama ko. Same school lang kasi ako since Kinder to Grade 10. Takot ako sa mga pagbabago. Takot akong mag-try ng iba. Takot akong mag-take ng risk. Gusto ko kung saan ako kumportable doon lang ako. Pero sa isang iglap, nag-iba ang pananaw ko sa buhay. Nag-iba simula ng mabasa ko... ang diary ni Lola.