Oy! Tol. Gurl. Bordz. Chums. Beki! At kung ano-ano pang mga eklaburshang inembentong tawag nating mga Noypi. Yun lang. Ang balak ko talaga mga kaibigan ay pahabain sana 'tong description ko. Pero wala na akong maisip. Kaya kung ikaw ay isang: Pinoy na teenager na bigo sa lovelife, mayroong social issues, emotional, o kahit spiritual issues man yan 'day, then huwag kang mag-alala dahil napadpad ka sa tamang lugar at kering-keri natin yan! Kaya just sit front, unrelax, at watch radio. Ah este, kumalma ka lang dyan at ihanda na ang iyong sarili, pati na yang boyfriend mo at kahit yung mga wrecking balls mo dyan ay i-ready na rin para sa isang awesomazinger teen mini-life stories na magpapamulat sa iyong mga mata, magpapasaya, magpapaiyak, mapapasindak, at makakapagpabuhay ng relate feels mo. If you're ready, READ ON.