Paalala: Habang ginagawa ang nobelang ito ay nagsisikap nang magpapayat ng author. Nagsimula ito noong dumami na ang nararamdaman niyang sakit sa katawan. Hypertension level 2, chest pain, bronchitis, pamamaga ng puso at iba pa at hindi dahil sa mga tukso sa kaniya. Ang nobelang ito ay isa lamang hakbang ng author upang lubusan na niyang mabago ang kaniyang pagkatao, prinsipyo sa pagkain at ideyalismo na ang tunay na kalusugan ay ang pagkakaroon ng malusog na katawan at maging malusog na isipan. Kasabay ng bawat pahina nito ay ang pag-asa na unti-unti nang makamit hindi lamang ng author kung hindi lahat ng mga katulad niya ang kaginhawaan sa pangangatawan. "Ang pagiging mataba ay hindi isang sumpa. Ito ay isang sakit sa isip, sa pananaw, at sa paniniwalang masarap kumain ng sobra."