Paano kung dumating ang panahon na makilala mo ang lalaking iyong pinapangarap at magustuhan ka rin niya? Paano kung ligawan ka niya at patunayang handa niyang gawin ang lahat makamit lang ang matamis mong oo? Paano na lamang ang iyong minamahal? Kaya mo bang ipagpalit ang lahat ng pinagsamahan niyo para lamang makapiling ang taong matagal mo nang pinapangarap? Paano nga ba kapag nalagay ka sa isang sitwasyon kung saan masasabi mo na lamang sa sarili mo na "I'm torn between the love of my life and the man of my dreams."?