Sa mundong ito kung hindi ka malakas matatalo ka. Kung wala kang gagawing paraan lalamunin ka. Kung paanga-anga ka lang mamamatay ka. Ito ang batas ng mahihirap, ito ang batas ng mundo. Itinanim na ito ni Carlos sa kanyang isipan simula pa noong bata palamang siya hangaang sa nagbinata na siya. Si Carlos Dela Cruz isang mabait at mapagkalingang kapatid pero sa kabila nito galit siya sa mundo. Isa siyang pusher at magnanakaw rin, pero hindi ito alam nag kanyang mga nakababatang kapatid. Kailangan niyang gumawa ng masasamang bagay para mabuhay at may maipakain sa kanyang mga kapatid. Hangang sa makilala niya ang isang babae na makakapag pabago ng takbo ng buhay niya at ang magbabago ng pananaw niya. This is a work of fiction. Names, Characters, Businesses, Places, Events and Incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidental. Do not distribute, publish, transmit, modify, display. Please obtain permission. Remember Plagiarism is a crime. Author's Note: Hi guys , ito po ang first story ko kaya may mga errors parin po kayong mababasa. I'm still an amateur so please understand. Pero promise ko po gagawin ko ang best ko para mapasaya kayo Please support this story!!! Votes and Comments -- biencarlo2000