Nawala ang ala-ala ni Janus nung maaksidente siya bago pa man siya maka-graduate ng high school. At sa pagtuntong niya ng college, gusto niyang makilala ulit ang mga kaibigan niya noong high school pa siya. Ngunit sa paghahanap niya sa kanyang mga kaibigan, makikilala niya ang isang babae na magpapabago sa takbo ng buhay niya. Siya si Cassidy; nerdy, geeky, at palaging tinutukso ng dating barkada ni Janus. Dahil sa isang gulay na wala sa bahay-kubo, mga gabing puno ng amoy ng kape, at isang kantang hindi maalala, magiging magkaibigan ang dalawa, at malalaman ni Janus na may sekreto sa pagitan ni Cassidy at ng dati niyang mga kabarkada. Si Cassidy na kaya ang makapagpapabalik sa mga nawawala niyang ala-ala?