Ako si Sage. 15 years old, male. Isang araw, may nakita akong 'wounded stranger' sa CR ng school. Binuhat ko siya papunta sa clinic tapos bumalik ako agad sa klase. Binisita ko yung stranger sa clinic pagkatapos na pagkatapos ng klase. Kaso sabi sa akin ng school nurse, wala na raw si stranger doon. Naisipan kong umuwi na lang. Kaso hanggang 'naisipan' na lang pala yun. Di na ulit ako nakauwi sa bahay ni Ate Helen kung saan ako nakikitira. Na-kidnap ako at isinakay sa isang itim na limousine at nawalan ng malay. Dinala ako sa isang isolated mansion na nasa gitna ng kawalan. May biglang nagpakilala sa akin, sabi niya kamag-anak ko raw siya. Sabi niya, nasa panganib daw ako. May taong gustong pumatay sa akin. Napilitan ako magpalit ng pangalan. Napilitan ako magpalit ng hairstyle. Napilitan ako mag-switch from glasses to contacts. Napilitan ako na mag-aral ng 'proper manners'. In-enroll ako sa isang paaralan para sa mayayaman kahit di ko gusto. Pumasok ako sa paaralan na yun kinabukasan kaso lang, ...nakasuot ako ng girl's uniform?! O____O
3 parts