Love?
Hindi yan tulad ng pagkuha ng course kung saan ikaw pipili ng gusto mo.
Na kapag nagbago na ang isip mo, maaari kang magshift na lang sa next sem para palitan yung nauna.
Hindi yan iniisip kung hindi nararamdaman.
Hindi ikaw yung pipili ng taong mahal mo dahil ang puso mo ang titibok pag dumating na yung taong nakalaan sa iyo.
Hindi mo pwedeng palitan na lang basta-basta yung taong sinisigaw ng puso mo kapag nagkaroon na ng problema.
Yan yung pakiramdam kung saan mahirap mang intindihin, kapag iyan naramdaman mo, wala mang kasiguraduhan ay papasukin mo pa rin kasi doon ka sasaya.
Pero paano kung yung akala mong love hindi pala??? Posible bang nagkamali ang pagtibok ng puso mo??? Paano kung kailan ka nahulog, malalaman mong wala na man palang sasalo sa iyo??? Paano kung laro lang pala ang lahat???
Nagkamali ba talaga ang pagtibok ng puso mo o sadyang sabik ka lang maramdaman kung paano magmahal??? Magiging handa ka pa bang magmahal ulit??? Susugal ka pa ba???
At ang huli, paano mo ba masasabing nakamove on ka na talaga??? Kapag wala na ba ang sakt? O kapag may bago ka ng mahal???
Sabi nga nila, “there are no happy endings, only happy beginnings.” Masaya lang sa una, mahirap sa kalagitnaan at ang pinakamasaklap, bumabagsak sa huli.