Bago pa nasakop ng mga dayuhan ang Pilipinas ay may sarili na tayong kultura at relihiyon. Mga paniniwala na pilit pinaltan at binago ng mga mananakop. Isa na dito ang tungkol sa mga Babaylan. Mga kababaihan na may kakaibang talino, sila ang tumatayong mangagamot, taga kausap ng mga espirito at mga lider ng maliliit na kumunidad. Ang mga Babaylan ay mga ekstra ordinaryong babae, hindi na-i-iba ang kanilang itsura, sila ay ina, anak at kapatid, parte ng pamilya. nagkataon lang na may taglay silang kakaibang kapangyarihan at salamangka. Ang iba ay ginagamit ito upang makatulong at syempre meron ding ilan na gumagamit nito upang makapan lamang sa kapwa. Nang dumating ang mga mananakop dala ang kanilang paniniwala, ang dating magandang pag tingin sa mga Babaylan ay napaltan ng takot. Tinawag silang Mangkukulam at inusig, hinuli at pinatay. Ngunit hindi doon natapos ang ang ating kwento, nagpa tuloy ang mga babaylan sa pag gamit ng kanilang Salamangka, patago ngunit patuloy silang nabuhay hanggang sa makabagong panahon.
4 parts