Pano kung ang mahal mo ay mayroong mahal na iba? At ang mas masaklap pa dun eh matalik mo pang kaibigan ang mahal niya.. Tapos ang turing pa sa'yo ng mahal mo eh hanggang kaibigan na lang talaga, NOTHING MORE and NOTHING LESS. Diba sobrang sakit nun?? Ako nga eh, pinipilit ko na lang mabuhay sa katotohanang ito.. Dahil kahit ano naman ang gawin ko, hinding hindi niya ako magugustuhan at tanggap ko na iyon.. Gusto mo pa bang ituloy ang pagkukuwento ko sa aking istorya? O siya basahin mo ang librong ito, upang ako'y iyong mas lalo pang maintindihan -Female Main Protagonist