Bata pa lang si Allan ay may lihim na siyang pagtingin sa kanyang kaibigan na si Toni. Hanggang isang gabi ay maglalakas loob na sana siyang umamin sa kaibigan, pero isang trahedya ang nangyari para lumayo ang loob sa kanya ni Toni. Nilisan ni Allan ang kaibigan para magsimulang muli sa malayong lugar. Pagkalipas ng Sampung taon, isang text ang kanyang natanggap, "Tsong patay na si Toni". Isang text na nagpagimbal kay Allan at isang text para muli siyang bumalik sa Marikina. Habang nasa bus ay walang ibang nararamdaman si Allan kundi ang manghinayang at malungkot dahil hindi niya nasabi kay Toni ang kanyang tunay na nararamdaman. Pero isang pasahero ang kanyang makakatabi at makakasabay, si Cindy. Ano ang magiging papel ni Cindy sa buhay ni Allan? Matatapos lang ba sa isang biyahe ang kanilang ugnayan o mauuwi sa isang pag-ibig? Nakahanda ba si Allan na papasukin sa kanyang puso si Cindy o ang puso niya ay mapapako lang sa ala-ala ng namayapang kaibigan na si Toni?Todos los derechos reservados