Halos lahat ng taong nakapaligid sa akin ay ang tingin nila sa akin ay isang 'Maldita na dalagita' Puro gulo nalang ang dala, puro nalang dahilan ng sakit sa ulo ng mga magulang, puro makikipag away sa kasing edad o mapatanda. Pero minsan ba naisip nila na may dahilan bakit ako ganito?.. Minsan ba naisip ng mga taong nasa paligid ko na kaya ko lang ginagawa to dahil gusto ko lang protectahan ang aking sarili.