Nasaan ako? Dugo! Bakit puro dugo ang aking damit!? "Hana.." Napalingon ako sa pinagmulan ng tinig na iyon. Isang lalaki ang halos maligo na sa kanyang dugo ang nakatingin sa aking direkyon. "Huwag ka ng umiyak. Lagi mong tatandaan, nandito lang ako palagi sa tabi mo." "Hindi! Hindi ako si Hana!" Gusto kong sabihin ang mga katagang ito. Ngunit bakit ganun? Kahit anung pilit ko'y walang lumalabas na tinig sa aking bibig. Pero bakit? Bakit nga ba umiiyak rin ako? Ah, siguro ay dahil nakikita ko sa kanyang mga mata ang labis na kalungkutan at paghihirap. Sinubukan kong lapitan sya. Ngunit bawat hakbang ko ay ang unti unting paglaho ng aking katawan. May sinasabi sya ngunit hindi.. hindi ko ito maintindihan. Bago ako tuluyang naglaho nakita ko ang kanyang pag ngiti at pag bigkas nya ng pangalang "Hana".Todos os Direitos Reservados
2 capítulos