May dalawang itinakdang makapangyarihan. Isang lobo at isang bampira. Hindi sila magka kilala o ano man pero magtatagpo rin ang dalawa sa ilalim ng malaking buwan.
Pareho nilang gusto ang isa't-isa. Ang isa takot umamin na may nararamdaman siya para sa kanya. Ang isa natotorpe dahil hindi niya alam kung paano aamin sa kanya. Magawa pa kaya nilang maamin ang lahat ng laman ng puso nila sa isa't-isa? O mananahimik nalang sila?