"May hindi ako nasabi sayo," naka-yukong wika niya habang hawak-hawak ang kamay ko. Nanginginig ako. Kinakabahan. Pero sinikap kong tawirin ang sitwasyon at sinimulang tingnan ang kanyang mukha. "Ang tagal na, pero hindi mawala-wala," mabagal niyang wika at dahan-dahang tumitingin sa aking mga mata. "Morphine, mahal kita," ayan na nga at parang hindi na ako makahinga dahil sa mga salitang narinig ko. Iyon ang una, at iyon ang huli. Ang pagkakataong aminin ang matagal nang dapat inamin. Sabi niya ay matagal na at hindi mawala, pero gaano katotoo? Hindi nga ba talaga mawala-wala o sadyang pina-PAASA niya lang ako. Mayroon lang isang paraan. Gumamit ng mga pangsuportang ebidensya.
3 parts