She never cares about love. Iyan ang alam ng mga tao sa kanya. Para sa kanila, isa siyang boring at nerdy type na estudyante. Hindi palakaibigan at palaging tahimik. Ang hindi alam ng iba, isa siyang dreamer. Sa pagiging tahimik niya, umiikot sa isip niya ang mga pangarap na unti-unti ng natutupad. Sumisikat ang banda nila dahil sa maskara na nagtatago sa tunay niyang nararamdaman at nagpapalakas ng loob niya na gawin ang lahat ng bagay. Pero paano na lang kung kailangan niya na talagang ilabas ang tunay niyang nararamdaman? Pero hindi niya mailabas dahil sa nahihiya siya. Nahihiya at natatakot siya sa pwedeng mangyari. DREAM or LOVE? Pangarap mong unti-unting natutupad o ang pag-ibig na nagpapalakas ng loob mo? Help Cassadee Mayumi to choose between Dream and Love