Luke Sanchez...lubos na kinakatakutan sa pinapasukan niyang unibersidad. Kilalang pala-away at una sa listahan ng school law breakers. Bakit hindi? Kung ang Dad naman niya ang may-ari ng pinapasukan niya. Chinito, maputi, gwapo, hot at matangkad.. palibhasa may dugong Korean. Nagagawa niyang paikutin ang mga tao sa paligid. Sa tingin ng tao ay wala na siyang pag-asang magbago pa. Xean Olivar...suplado kaya naman nakikitang arogante ng iba. Kayod-kalabaw para lang mapag-aral ang kanyang sarili. Frustrated romance novel writer ngunit hindi naman naniniwala sa tunay na pag-ibig. Matapang at hindi hinahayaan ang sariling matapakan ng iba.Maayos naman ang lahat ngunit nagbago ang lahat nang mawalan ng scholarship si Shaun sa kasalakuyang pinapasukang unibersidad. Isang araw ay may natulungan siyang lalake bilang kapalit ng pagtulong niya ay makakapag-aral siyang muli. Bagong unibersidad.. bagong mga kaklase... ngunit kakayanin niya.Sa kanilang unang pagkikita ay hindi na naging maganda. Mas lalo pang gumulo ang sitwasyon nang mapagpasyahan ng ama ni Luke na ipatutor siya sa pinakamatalinong estudyante sa school; si Xeann Olivar. Sa hindi inaasahang pagtatagpo ng dalawang mundo, may pag-asa kayang lumambot pa ang kanilang mga puso at muling makahanap ng daan para umibig? Uubra kaya ang lahat ng tapang, tigas at angas kapag si Kupido na ang nagpasyang pumagitan?
101 parts