Kilalanin ang isang babaeng sinubok ng kalupitan ng trahedya. Isang babaeng gagawin ang lahat para lang makamit ang inaasam na hustisya. Subalit paano kaya kung sa kanyang pagsusumikap, darating ang pagkakataon na paglaruan naman siya ng tadhana?
Mananatili kayang matigas ang kanyang puso kung sa isang iglap ay makilala niya ang lalaking babago sa takbo ng kanyang buhay?
Uusbong pa kaya ang pag-ibig sa kanilang dalawa kahit na ang kanilang mga komplikadong mundo'y tila mga nag-uumpugang bato?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"I don't care about anyone or anything around me. Kontento na ako na palagi ko lang kasama ang mga libro ko, walang kaibigan o kasama. After all, I'm totally invisible to anyone. But ever since I've entered into this so-called world, my life started to change. Ang madilim kong mundo'y naging tila isang buwang nagliliwanag simula nang makikilala ko siya." - Her
"Kahit na halos pareho ang takbo ng aming mga mundo, hindi ko pa ring maiwasang isipin na kahit kailan, pagtagpuin man kami ng tadhana, lilitaw at lilitaw pa rin ang katotohanang may malaking harang pa rin sa pagitan naming dalawa." - Him
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
"Sa gitna ng pagaagam-agam, liliwanag ang mundong puno ng kadiliman. Muling titibok ang pusong tumigil na binalot ng galit at pighati sa bawat halimuyak ng wagas na pag-ibig."
[_A story written by LJ Snow_]
(Cover illustration is not mine.)
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)
54 parts Complete
54 parts
Complete
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.