Nagpatuloy lang tayo sa biyahen pag-ibig
Minsang humarurot, dumiretso, lumiko, humarurot muli, naflatan,
Pero hindi ko akalaing tuluyan tayong
mawawalan ng preno hanggang sa ito na ang
kusang huminto
Walang sinuman ang makakaligtas sa sakit,
Wala, kahit pa iyong akala mong perpektong
pagkakatagpi ng bawat istorya,
Magkakaroon ng lamat,
Posibleng tuluyang mabasag;
Iyong dating malayong pag-iibigan
hindi na sinangayunan ng kalangitan,
naging mapanakal,
naging rehas na gawa sa bakal;
Gustong umalpas,
Gustong kumalas,
At bilang pagmamahal,
Nagparaya ka na mahal;
Oras na para bumitaw
kasi hindi tama ang pagmamahal na labis na nag-uumapaw,
Nakakalunod- hindi ako makahinga,
Nakakalunod hindi ako makakilos,
Nakakalunod- tinatangay na lang ako ng agos;
Hayaan na muna natin ang luha na bumuhos,
Hanggang sa maunawaan natin ang mga bagay na ito nang lubos,
kaysa naman tayo ay maubos,maging pulbos,maging upos;
Bitaw na tayo Kinakailangan talaga :(
Para sa'yo , Para sa akin
Tula para sa mga taong lumuha, tula para sa mga mugtong mata na sa pagiyak ay pagod na, at tula para sa nakaraang nais limutin na.
Tula para sa tunay na pagibig, tula para sa mga salitang di masabi ng bibig, at tula para sa mga taong umaasang baka bukas siya ay nasa iyo ng bisig.
Tula para sa mga taong mahahalaga, tula na iaalay para sila'y mapasaya, at tula na mananating sila ang bida.
Tula para sa bawat istorya, tula na may malalalim na rason kung bakit nailathala, at tula para pulutan ng aral at pag-asa.
August 17,2018
#1 Poetry
#2 in Spoken Poetry
#2 in Poems
#2 in Spoken Words