Simple lang ang buhay ng isang Nate Craige. 'Di naman mayaman 'di rin naman mahirap. Ika nga sabi ng iba eh "'swak" lang. May pamilya siya, may mga kaibigan, at katulad mo at ako ay may mga ups and downs rin siya sa buhay. Mga pag subok na katulad mo at ako ay dinaranas rin.
Labing apat na taon pa lamang siya nang iwan silang mag iina ng kanilang padre de pamilya upang makipag talik sa ibang babae. Malaki ang naging epekto n'on sa kanilang pamumuhay at kung hindi dahil sa sipag at tiyaga ng kan'yang pinaka mamahal na ina ay malamang habang buhay sila naging lugmok sa hirap.
Malaki ang pag papasalamat niya dito dahil sa pag tayo 'di lang bilang ina, kundi bilang ama na rin sa kanilang dalawang mag kapatid. Kaya hangat maaari ay gusto niya, bilang panganay, ay masuklian ang sakripisyo nito. Kaya gano'n na lang kalaki ang naging tuwa at pasasalamat niya nang maka pasa siya sa isang entrance exam para sa mga kolehiyo sa dati niyang pinapasukan kasama nang kan'yang dalawang kababata noong highschool pa lamang sila.
Alam niya kung gaano ka mahal ang matrikula dito kaya lubos ang galak na naramdaman niya. Pero syempre ano pa nga ba ang aasahan sa isang paaralang mataas ang estado?
Ang pinaka ayaw niya maging ng mga kaibigan niya ay ang mga maaarte, mayayabang, mga mata pobre, mga bastos, at lalo na ang mga "mayayamang" walang modo. Dahil rin sa mga 'to kung ba't sila natutong makipag basag ulo. Aba sa dami ba naman ng mga ganito sa mundo ngayon? At ang masaklap pa ay marami ring ganito sa unibersidad na papasukan nila.
Kung ganito ka at babae ka? Mabubungangaan ka. Lalaki ka? Pwes malilintikan ka.
So ANO na lang ang mangyayari kapag may babae siyang na meet? Isang babaeng bagong lipat sa paaralang papasukan nila. Babaeng mayaman, maputi, maganda, tahimik, AT mas matanda kesa sa kan'ya.
Sabihin na lang nating unang encounter pa lang nila ay 'di na nag click.
Bakit?
All I can say is to read this and enjoy the roller coaster ride.Todos los derechos reservados