"Itong tatandaan mo! B-balang araw! M-magkakagusto ka s-sa'kin!" Umiiyak na sabi ko sa kanya. Saka pinahiran ang mga luha sa pisngi. Napanganga siya at nilibot ang tingin sa mga kaklase namin. Pero andun pa rin ang kayabangan sa mukha niya. He grinned. "Ako? Sa gwapo kong 'to? Magkakagusto sa isang tabachingching na katulad mo?" At napalabi siya saka dinuro ako gamit ang hintuturo niya. "Asa! Taas din ng pangarap mo noh?" At humalakhak ito. At sabay na nagtawanan ang mga kaklase namin. Mas lalo akong napaiyak dahil sa sobrang kahihiyan. "I-isunu-s-sumpa ko..." bulong ko habang wala pa ring tigil ang pag-iyak ko. "So-so-sorry? Di- di di ki-kita... na-nariri-nig..." panggagaya niya sa salita ko saka humalakhak ulit. Nakitawa naman ang ilan sa mga kaklase ko. Yumuko ako at napakagat labi. "Isinusumpa ko.. 'pag dumating ang araw na 'yun." Huminto siya sa pagtawa at nakakunot noong binalingan ako. Buong pagsuklam ko siyang tinititigan sa mukha. "Mamahalin mo 'ko! Pero hinding-hindi ko susuklian kahit isang kusing ang damdamin mo! Kahit luluhod ka pa sa harap ko! Kahit iiyak ka pa ng dugo! Kahit magdasal ka pa ng paluhod mula Tondo hanggang Quiapo! I will never love you back!" Puno nang galit at pagsuklam na saad ko sa kanya. Isinusumpa kita Zed Levi Garnier! You will chase me, you will fall in love with me but you cant have me!All Rights Reserved
1 part