Ugly. Panget. Chaka. Yan ang kadalasang mga naririnig kong panlalait sakin. Noong una masyado kong dinadamdam, nanjan pa yong iiyak ako magmumukmok kung anu ano gagawin pero nang sandaling may isang lalaking pumasok sa buhay ko. Biglang nagbago ang lahat. Una kong naramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko sa tuwing kasama ko siya. Ano nga ba siya sa buhay ko? Ano ako sa buhay niya? "Niloloko ka lang niyan" Kadalasang naririnig ko kapag magkasama kami ng kaibigan ko. Hindi ka aya aya ang itsura ko pero mabait ako kapag kinaibigan mo. Hindi ko inisip na niloloko niya lang ako, na ginagawa niya lamang akong isang instrumento kapag wala siyang magawa. Nararamdaman ko yun, dahil kita ko ang pagpapahalaga niya sa akin. Kaya dahil dun, mas higit pa pala sa kaibigan ang nararamdaman ko sakanya. "Sino nga ba ako?" Malaking tanong sa isipan ko kung ano ang tunay kong pagkatao.