[Filipino Fantasy Novel]
Matapos ang Blood War o ang masalimuot na digmaan sa kanilang bayan, hindi makapaniwala si Ronan Ashworth na makaliligtas siya ng buhay. Nagising na lang siya isang umaga lulan ng lumang karwahe na naghatid sa kanya sa lugar kung saan siya nababagay, ang sanctuary o sagradong kublihan para sa isang tulad niya. Markado ng kakatwang tanda ang kanang pulsuhan niya at palaisipan pa rin kung saan niya iyon nakuha.
Doon, nakilala niya ang lalaking ito na tutulong, magdadamit at gagabay sa kanya, si Hugo Simoune Salazar, ang namamahala sa sagradong kublihan na pananatilihan niya pansamantala. Kapag mayroong kang marka, ang ibig sabihin ay isa ka sa mga tao na kinukupkop nito. Ang marka ay sumisimbolo sa likas na talino, natural na talento ng isang tao at tinataglay na kakaibang abilidad. Kilala iyon sa bansag na "curse" o sumpa, ngunit kinikilala iyon bilang hindi pangkaraniwang regalo o kaloob pagkasilang pa lang nila sa mundo. Tulad na lamang ng pagmanipula ng mga bagay gamit ang isip, kayang tumakbo ng isang daang beses ang bilis kumpara sa normal na kabayo, paggamit ng mga elemento o manggamot ng malalim na sugat base sa kalidad ng pamamaraan.
Labing-siyam na taong gulang na si Ronan, ngunit ipinagtataka pa rin niya kung ano'ng klase ng curse ang tinatangi niya. Ang mga tao sa kanyang paligid ay tinatawag siyang "sleeper" dahil hanggang hindi pa niya nadidiskubre ang curse niya, mananatili lang iyong tulog sa kaibuturan niya.
Ano ang magiging takbo ng buhay ni Ronan kasama ang mga taong ito? Ang mga kauri niyang posibleng magpa-unlad sa kanyang pagkatao o ikapahamak niya ang impluwensiya ng mga ito.
A rare mark. A society of strange people. A powerful gift. They are... the cursed people, where every curse lies in its mystery.
Thank you so much @-starless for the eye-stunning cover.
Tips for Incoming HUMSS Students (Humanities and Social Sciences)
10 parts Complete
10 parts
Complete
Ready ka naba mag SHS?
Ready ka naba na HUMSS ang napili mo? This is my tips to you to be ready in the first day of your class for being a Humss Student