Minsan naisip mo rin ba na sumuko? Nagmahal ka na ba ng patago? Kung oo,anong pakiramdam? Ano ang pakiramdam na di ka mapansin ng mahal mo? Nakakalungkot ba? Masakit ba? Nakakawalang-gana ba? Nakaramdam ka na ba ng feeling na gusto mo ng isang bagay pero di mo makuha? Gustong-gusto mo ng bagay na yun pero malabo mong makamtan. Nakakalungkot diba? Nakakababa ng self esteem. Minsan dadating ka sa punto na... Haharap sa salamin... Tititigan ang iyong repleksyon... At tatanungin ang sarili. " Panget ba ko? Bat di nya ko gusto? Hindi ba ko pansinin? Talaga bang ayaw niya sakin? Baka naman may bad odor ako? O kaya tinggin nya sakin bobo?Bobo ba ko? Muli mong sisipatin ang bawat bahagi ng katawan mo sa salamin. Ngunit wala ka ng makitang maganda. Nagmistulang alon-alon ang iyong pigura. At dun na nakatatak sa isip mo na di ka kaakit-akit kaya ayaw niya sayo. Kaya heto ka nagmamahal ng patago. Tingin-tingin lang sa malayo. Kinikilig sa isang gilid. Nagkukulong sa iyong silid. Bakit nga ba pag mahal mo hindi ka mahal? Hindi ba pwedeng mahal ka na rin? Ang pag-ibig nga naman! Daming arte! Siguro ako? Na-master ko na yan lahat. Hustler na yata ako sa larong yan. "Taguan ng feelings" Pwede ko na nga yatang gawing sports eh. For sure,always panalo ako. Sa laro lang.. Hindi sa puso niya :< Xoxad diba?All Rights Reserved