Minsan hindi mo na alam kung ano nga ba ang gustong mangyari ng tadhana sayo, may pagkakataon na may ibibigay na akala mo ay bubuo na sa iyo pero biglang itong babawiin sa di malamang kadahilanan. Ngunit bigla na lang may gugulat sayo, gugulat sa pagkakataong durog ka, gugulat sa oras na halos wala ka nang maramdamang pag-asa. Malaro at maharot ang pag-ibig sa mundo na tatahakin ng bida natin paano kaya nya sasabayan o paano sila makikisabayan sa nais ng tadhana?